GURLLL AKO SI MULAN

Inilabas ng Disney ang pelikulang Mulan noong 1998, sa panahon ng ikatatlong alon ng pemenismo. Itong pelikula ay naghihikayat ng lakas sa mga kababaihan. Ang estereotipong mas malakas ang mga lalaki sa mga babae ay makikita dito. Una, ang Mulan ay nagpapakita ng panlalaking konstruksyon ng kasarian. Tapos, binibigyan diin ng pelikula ang mga estereotipong katangian na pambabae. Panghuli, ipinakita ni Mulan kung gaano kahirap makalaya sa mga eseterotipong mga tungkulin sa kasarian ng lipunan.

Ang napakagandang pelikulang Mulan ay tungkol sa buhay ng isang babae na nahihirapan tumalima sa mga inaasahan ng lipunan sa kanya. Siya ay nagtanan para makasali sa hukbo. Nagkunwaring lalaki si Mulan para maligtas ang kanyang tatay na may sakit sa pagsasali sa hukbo. Ito ay talagang delikado dahil ang parusa sa mga babae na sumali sa hukbo ay kamatayan.

Sa simula ng pelikula, makikita natin na si Mulan ay naghihirap na sumunod sa inaasahang mga tungkulin para sa mga babae. Sa eksenang ito, hinahanda ng pamilya ni Mulan siya para makasalubong ni Mulan ang Matchmaker na gagawin siyang asawa. Binibigyan diin ng eksenang ito na upang makapagdala ng karangalan ang isang babae, kinakailangan niyang maging isang marangal na asawa na ang isang silbi lamang ay ang pagbubuhos ng tsaa at panganganak. Kaya, ipinapahayag ng eksena na ito ang mensahe na ang pangunahing layunin ng mga babae ay maging walang kwenta mga asawa lamang at magalaga ng mga bata. Ito ay nagpapahina ng mga loob ng mga dalagang babae at minamaliit ang mga kakayahan ng mga babae. Sa ang kantang ‘Honour To Us All’ may isang linya sa kanta na talagang nahuli ang aking atensiyon. “A girl can bring her family honor in one way: by striking a good match”, ipinapahayag ng linya na to na ang mga babae ay kailangan masunurin, masipag, maganda at sa lahat kailangan makakapanganak sila ng mga lalaki. Ito ay nagpapakita sa walang halaga ng mga babae.

https://m.youtube.com/watch?v=UglyGDh2MVM

 

Sa sumunod na bahagi, pumunta ang mga sundalo sa tahanan ni Mulan at humihingi ng sundalo. Pinipilit ang kanyang tatay na may sakit pumunta kaya balak ni Mulan na siya na lang ang sasali sa mga sundalo, ngunit sinabi nila na hindi pwede ang mga babae sumali sa hukbo dahil mga asawa lamang ang kanilang silbi. Ito ay nagpapakita ng malinaw na diskriminasyon sa mga kakayahan ng mga babae. At dahil dito, si Mulan ay nagpanggap bilang isang lalaki upang makapasok sa hukbo at maligtas ang kanyang tatay. Isang pemenismong bagay na ipinakita dito ay ang sobrang kalakasan ng loob at katapangan ni Mulan. Ginawa niya ang hindi karaniwang ginagawa ng mga babae at ninakaw ang kutamaya ng kanyang tatay upang mapalitan siya sa hukbo dahil sa kanyang mabigat na sakit.
Pagpapasok ni Mulan sa hukbo, siya ay nahirapan makasabay sa mga ensayo ng mga ibang sundalo. Ngunit may isang bahagi kung saan lahat sila ay maypahsubok kung sino ang makakaakyat ng poste gamit ang dalawang tali. Napagod ang mga lalaki sa sunod sunod na mga bagsak. Gayunman, si Mulan ay nakaakyat sa poste dahil sa kanyang katalinuhan at ito naman ay nagpapakita ng malalim na pemenismo. Sa ensayo ng kanilang hukbo, ipinakita na gusto patunayan ni Mulan na kaya niya ang mga ginagawa ng mga lalaki sa kanyang hukbo at sa huli, nalagpasan pa nga niya sila. Ang mga babae noon ay umaasa lamang sa iba lalo sa mga lalaki. Gusto patunayan ni Mulan na ang mga babae ay kaya din maging mamuhay na independyente. Sa isang eksena ng kanilang ensayo, kumakanta ang kanilang Heneral ng kantang napakapatama sa mga babae. Yung kantang ” Make a man out of you” ay tungkol sa pagrereklamo ni Heneral Shang ng kahinaan ng kanyang mga sundalo. Sinabi ni shang sa kanta na binigyan daw siya ng bayan ng mga babae kaysa sa lalaki dahil sa sobrang hina ng mga sundalo. Ihinambing ni Heneral Shang ang mga babae sa mga mahina at ipinapakita nito ang esetreotipo sa mga babae. Ang linyang ” (Be a man) With all the force of a raging typhoon (Be a man) With all the strength of a raging fire” ay nagbibigay diin sa estereotipong lahat ng mga lalaki ay malakas kinatatakutan. Ito din ay nagbibigay liwanag sa estereotipong higit na mas mataas ang mga katangian ng mga lalaki kasya sa mga babae.


Sa isang bahagi ng pelikula, ipinakita na gustong gusto ni Mulan sirain ang mga masamang estereotipo sa mga babae. Noong tinanong siya ng mga lalaki kung ano ang kanyang perpektong babae, isinabi niya ” How about a girl who’s got a brain and always speaks her mind” Pinagtawanan lamang siya ng kanyang mga kasama ngunit pinapakita nito ang totoong nararamdaman ni Mulan. Siya ay hindi sumasangayon sa mga estereotipo para sa mga babae. Ang mga babae noon ay nagtratrabaho lamang sa bahay at hindi nakakapagaral ng mabuti. Bukod pa rito, noong sinabi ni Mulan ” a girl who always speaks her mind”, ang mga babae dati noon ay laging tahimik lamang at hindi nakakapagsalita subalit iba ang iniisip ni Mulan bilang isang pemenismong babae. Pagkatapos, may sinabi ang isang sundalo na si Po, “I couldn’t care less what she will wear or what she looks like as long, it all depends on what she cooks like beef, pork or chicken”. Ito ay nagpapakita na ang mga babae ay ginagawang tagaluto lamang at wala masyadong silbi sa lipunan.
Sa susunod na pangyayari sa pelikula, papunta sila Mulan sa tahanan ng emperador, sila ay tinambangan at gumamit si Mulan ng isang canyon para makasimula ng isang pagguho ng yelo. Sa dami ng malalaking sundalo sa hukbo, si Mulan pa talaga ang sumugod sa gitna ng gera para kunin ang canyon. Ipinapahayag ng eksenang ito na ang kalakasan naman ng babae. Itong bahagi ay napakapemenismo dahil sa kakaibang lakas ng loob na ipinakita kay Mulan bilang isang babaeng sundalo. Sa gitna ng laban, tinamaan si Mulan ng espada ng kalaban at nabuking siya bilang isang babaeng sundalo sa kanilang hukbo. Ito ay pinagtatalunan ng kanyang mga kasama dahil nakabuo na siya ng espesyal na koneksiyon sa kanila ngunit ang pagsasali ng babae sa hukbo ay isang malalalim na pandarahas at kamatayan ang parusa. Sa pelikulang Mulan, ang mga lalaki ay ipinapakitang malakas, matalino at masipag habang ang mga babae ay mahina, maarte at mahinhin. Pinapalakas ng pelikulang ito ang isip na ang mga babae ay walang kwenta at hindi importante at ito ay lalo na makikita noong nagtatalo si Chi-Fu at Heneral Shang. Sinabi ni Chi-Fu ” She’s a woman! She’ll never be worth anything!” Sobrang lakas ng patama ng kasabihan na iyon dahil ito ay nagsasabi na walang halaga ang mga babae at minamaliit nito ay kakayahan nila. Lahat ng mga naitulong ni Mulan sa hukbo ay nakalimutan dahil lang na babae siya. Talagang ipinakita nito na masmababa ang katayuan ng mga babae sa lipunan noon kaysa sa mga lalaki. Ipinahayag din nito na ang mga tagumpay ni Mulan noon ay nakilala lamang dahil nagpanggap siya bilang isang lalaki at binibigyan diin nito na ang mga lalaki lamang ang may kakayahan sa pagtatagumpay.

Sa pinakahuling laban ng pelikula, iniligtas ni Mulan ang emperador ay kinalaban ang pinakakinakatakutang kalaban nila. Ipinakita dito na si Mulan ang bayani nila dahil nailigtas niya ang buong bansa sa kalaban. Dahil dito, yumuko ang buong bayan kasama ang emperador. Lahat ng tao ay yumuko para Kay Mulan, isang babaeng bumagsak pa nga maging maayos na babae sa simula at tinanggihan ng hukbo. Pagkatapos, binigyan siya ng emperador ng espada ng kalaban at ang gulugod ng emperador. Inalok pa siya maging miyembro ng pamahalaan pero tumanggi si Mulan dahil gusto niya lang makabalik sa kanyang pamilya. Isinabi ng kanyang tatay ” The greatest gift and honor is having you for a daughter”. Ipinpahayag nito na sa wakas, tinatanggap na din siya at binibigyan halaga bilang isang babae. Ipinakita ni Mulan na nakapagdala din siya na karangalan sa kanyan pamilya kahit hindi siya nang asawa ng lalaki katulad ng estereotipo sa mga babae. Muling nagpakita ng malalim na pemenismo itong pagwakas ng Mulan.
Ginawa ni Mulang ang kakaiba sa mga ibang mga Princesa. Hindi niya iniisip ang pangangasawa ng isang prinsipe o kayamanan. Kung hindi, ipinakita niya na ang mga babae ay may kakayahan din sa lipunan. Ang tema ng pelikula ay ang mga babae ay kasing lakas lamang ng mga lalaki. Maiihalintulad natin ang pelikulang ito sa Liham Ni Jose Rizal: Ang mga Kababihan ng Malolos. Isinasabi ni Rizal sa liham na ang mga babae ay may karapatan din makapagaral dahil sila din ay nakakatulong sa pag unlad ng Pilipinas. Katulad sa Mulan, ang mga babae ay hindi nabibigyan halaga at minamaliit.

Sources: https://m.youtube.com/watch?v=ZSS5dEeMX64, https://m.youtube.com/watch?v=UglyGDh2MVM, https://m.youtube.com/watch?v=YoqhbSD7oks

 

Arnold Cheng

By aaccheng19